1,006

By

Slaughter may problema kay Chua?

Sa pag-alis ni Greg Slaughter sa Ginebra at sa PBA, marami nang nabubuong espekulasyon ang mga fan sa posibleng naging dahilan ng pagpapahinga nito sa liga.

Una rito ay ang posibilidad na ma-trade si ‘Gregzilla’, na matunog na piyesa para makuha sa NorthPort si Christian Standhardinger.

Isa pa sa tinitingnang anggulo ay ang posibleng hindi pagkakaayos nito sa isang opisyal ng Ginebra San Miguel.

At tingin ng mga netizen, si SMC sports director Alfrancis Chua ang isa sa posibleng hindi nakapalagayan ni Slaughter.

Sa Instagram post kasi ng 31-year old baller, pinasalamatan nito ang mga top official ng SMC, kasama ang CEO at president na si Ramon S Ang, pati na rin si Ginebra head coach Tim Cone.

Ngunit kapansin-pansin na wala ang pangalan ni Chua sa pinasalamatan ni Slaughter, na kinabahala ng mga fan.

“bakit kaya wala sa special mention niya si Al Francis Chua?? Pansin ko lang haha,” ayon kay @loyalsaanim.

Kung titingnan, si Chua ang isa sa mga may malaking impluwensya pagdating sa mga desisyon ng Ginebra management, na matatandaang noong nagkampeon ang Ginebra sa 2019 PBA Governor’s Cup ay nilahad ni Cone na ito ang naging instrumento para mapapunta si Stanley Pringle sa koponan.

Sa tweet naman ni sports insider Snow Badua, tingin niya’y may meaning ang pagkakawala ng pangalan ni Chua sa mga pinasalamatan ni Slaughter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?