436

Feb 14, 2020 @ 12:30
By

Slaughter kay Snow: Wala kang alam!

Hindi pa rin pala natatapos ang away sa Twitter ni local sports insider Snow Badua at ex-Ginebra center Greg Slaughter.

Muling nagningas ang bad blood sa pagitan ng dalawa ng i-retweet ni Snow ang pahayag ni Slaughter na wala siyang muwang na siya’y ite-trade, maging ang umano’y demand niya gayong wala naman daw na offer sa kanya ang Ginebra.

Tugon ni Snow, sana’y hindi ma-ban sa PBA si Slaughter, at huwag sana umanong magaya kay Calvin Abueva na hanggang ngayo’y hindi pa nakapaglalaro sa PBA buhat nang masuspende noong nakaraang taon.

Hiling din ni Snow na sana’y bawiin ni Slaughter ang kanyang leave of absence at tingnan kung anong mangyayari.

Sumagot naman si Slaughter na pila patama kay Snow, sinabing wala naman daw alam ang sports insider.

Bumalikwas naman si Badua, nag-post ng larawan ni Barney, na pang-asar kay Greg, at sinabing ‘clown’ daw ito kaya nag-quit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?