47

Jun 27, 2020 @ 16:10
By

Slam dunk champ! Thirdy, Juan GDL taob kay Malonzo

Kinoronahan bilang kampeon si athletic forward Jamie Malonzo sa kauna-unahang ‘Home Jam: Dunkers Only’ nitong Sabado.

Katunggali ng La Salle star sina UP guard Juan Gomez de Liano, pati na rin ang Japan-bound na si Thirdy Ravena.

59 points ang nakuhang puntos ni Malonzo para sa kanyang windmill dunk sa third round, dahilan para kunin niya ang panalo.

Samantala, kinulang naman ng isang puntos si Juan GDL para talunin si Malonzo na naka-58 points sa kanyang 360 dunk.

Habang may 57 points naman si Thirdy para sa malupot na 2-handed reverse slam.

Ang mga tumayong judge ay sina Kobe Paras, na naging FIBA dunk champion, at Gilas star Robert Bolick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?