41

Jun 30, 2020 @ 20:05
By

Sky Cable umapela sa NTC na maging patas

Hiniling ng Sky Cable Corporation “in the spirit of fairness” sa National Telecommunications Commission (NTC) na pagkalooban din sila ng kaparehong pribilehiyo na ibinibigay sa ibang kompanya na nag-expire na ang prangkisa pero patuloy na nakakapag-operate.

Giit ng cable company, 1.5 milyong subscribers nationwide ng kanilang Sky Direct, na hindi nakakasagap ng TV signal, ang mawawalan ng access sa mga balita, impormasyon at entertainment simula June 30, 2020.

Ito’y dahil susunod ang Sky Cable Corporation sa cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission na nagpapatigil sa operasyon ng direct broadcast satellite service nito.

“In the spirit of fairness, we continue to appeal to the NTC to extend the same privilege given in the past to other companies whose franchises have expired but are currently pending in Congress to continue its operations until a resolution is passed,” giit ng Sky Cable.

Siniguro nila sa mga subscriber na gagawin ang lahat ng legal remedies para magbalik operasyon ang Sky Direct.

“We commit to attend to the concerns of our valued subscribers and partners arising from this decision. We will refund all unconsumed prepaid loads and advance postpaid payments. We appeal to our SKYdirect subscribers and partners for understanding and patience as we undergo this process,” pahayag pa ng kompanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?