57
Sison hindi hangad ang tunay na kapayapaan - Galvez
By

Sison hindi hangad ang tunay na kapayapaan – Galvez

Malinaw na hindi hangad ng liderato ng kilusang komunista na magkaroon ng tunay na kapayapaan sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez matapos agad na kontrahin ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng bagong peace panel para pangasiwaan ang localized peace talks na isinusulong na ng gobyerno.

Sinabi ni Galvez na aaktong adviser para sa local peace dialogues, ang itatatag na bagong peace panel ay hirap intindihin ni Sison.

“As the President expressed his intention of peace, it is unfortunate that instead of reciprocating the government’s initiative to move the peace process forward, Joma Sison immediately rejected the idea. And this raises the question: Is Mr. Sison for genuine peace?,” ani Galvez.

Agad tinutulan ni Sison ang itatatag na bagong peace panel at hindi aniya siya kakagat sa pain ng Duterte administration dahil isa itong “war panel”

Sinabi ni Galvez na may pangangailangang ipaintindi kay Sison ang konsepto ng localized peace talks dahil sa tagal na nitong naninirahan sa ibang bansa ay wala na itong alam sa reyalidad at tunay na sitwasyon sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?