2,042

By

Sisiraan sa media! Ex-wife nanghuthot ng P100M – Raffy Tulfo

Bumwelta ang brodkaster na si Raffy Tulfo sa isinampang bigamy case sa kanya ng dating asawa na si Julieta Nacpil Licup dahil aniya, pera lang ang gusto nito sa kanya.

Ayon sa kanyang show sa Radyo Singko, kinwento ni Tulfo na unang nakipagkita sa kanya si Licup noon para manghingi ng milyones sa kanya na ayon sa mamamahayag ay isang insidente ng extortion.

“Hindi po ako kumukunsinti sa anumang uri ng blackmail at extortion. Ito po ay plain and simple extortion. Gusto nya pong mag-extort ng pera para gumanda raw po ang buhay na nilang mag-asawa,” ayon kay Tulfo, sinabing na noong maghiwalay sila ay nagkaroon ng kasunduan at nagpakasal na sa iba si Licup at nanirahan sa Amerka.

“Then one day ito pong si Mrs Julieta Licup Pearson ay nag-request na makipagkita sa akin at pinaunlakan ko naman po sa isang restaurant sa Quezon City. Yun pala, ang reason ng kanyang pakikipagkita sakin ay yang humingi ng P25 million,” aniya pa.

Bukod pa umano sa P25M, gusto rin nito ng kalahating buwan ng sweldo ni Tulfo na hindi tinanggap ng mamamahayag.

“Tumanggi po ako, sabi nya siya po ay maga-alburoto at sisiraan nya ako sa media kapag hindi ako pumayag. For the second time, tumanggi po ako sa kanya at sinabihan ko siya na hinding-hindi ako maggigive in sa blackmail at extortion,” saad ni Raffy,

Noong matapos naman ang eleksyon, nanghingi naman ulit si Licup sa pamamagitan ng abogado nito ng P100M dahil kung hindi ay ipapahiya umano siya ng dating asawa.

“They hope na ibibigay ko na ang demand na P100 million. Dahil kung hindi, ako ay malalagay sa isang embarrassment. At tinupad nga po nila ang kanilang banta,” saad pa.

Ayon kay Tulfo, handa sana siyang magbigay ngunit para lang sa anak nilang dalawa.

“Hinding-hindi ako magbibigay ng pera para sa iyo. At kung mayroon man akong P25 million doon initial request niya, hindi ako magbibigay ng kahit singkong duling sa’yo dahil ikaw ay nagbabanta, bagkus ay ibibigay ko na lang iyon sa mahihirap nating kababayan na pumupunta dito sa amin para humingi ng tulong,” giit ni Tulfo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?