96

By

Sisi speechless sa sorpresa ni Kim Chiu

Binulaga ni Kapamilya actress Kim Chiu ang dating UST Hitter na si Sisi Rondina nang personal niya itong binigyan ng munting regalo para sa kanyang 23rd birthday.

Makikita sa litrato mula sa tweet ni reigning UAAP MVP na may hawak siyang paper bag habang katabi niya si Kim na may hawak ring tiger stuffed toy.

Tila ikinatuwa naman ito ni Sisi nang i-caption niya sa tweet niya ang: “Out of words Thank you so much Idol @prinsesachinita”

View this post on Instagram

Out of words! 😭 Thank you so much Idol ♥️

A post shared by SISI RONDINA (@cherryann.rondina) on

Matatandaang ginampanan rin ni Kim Chiu ang karakter ni Sisi sa isang episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’ noong mga nakaraang buwan.

Naging special guest din ang singer-actress sa 2019 Goodwill Games kung saan naging Women’s volleyball MVP sa season 81 si Rondina.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang mga netizen sa suspresang ni Kim sa volleyball star.

@blue_mania2: “Aawww ang sweer ni kim”

@sanie0824: “ang sweet naman!”

@cynthia95998061: “you got a friend for life with Kim, Cherry..”

@shaullaguilam: “Well deserved”

@Christi28300318: “WOW mga idol”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?