178
Sisi MVP, Eya Rookie of the Year
By

Sisi MVP, Eya Rookie of the Year

Nahirang na UAAP Season 81 women’s volleyball Most Valuable Player (MVP) si veteran spiker Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ng UST Golden Tigresses habang Rookie of the Year naman ang kakampi niyang si Eya Laure.

Nag-a-average si Sisi ng 17.7 points per game, 33.38% sa kanyang mga atake at 3.98 digs per set para sa kanyang depensa.

Bukod pa sa pagiging season MVP, napili rin itong bilang Second Best Open Spiker at Best Scorer.

Bukod sa pagiging pinakamagaling na rookie, kuha rin ni Laure ang First Best Open Spiker award sa pag-average ng 16.4 points per game at 35.90% atake.

Samantala, hinirang namang Best Opposite Spiker si Ateneo Lady Eagle Kat Tolentino na may average na 14.2 points per game.

First Best Blocker naman si NU Lady Bulldog Roselyn Doria kasunod si Ateneo Lady Eagle Maddie Madayag bilang Second Best Blocker.

Nasungkit ni UE Lady Warriors Kath Arado ang Best Libero award at Laizah Bendong bilang Best Setter.

Hindi rin magpapahuli si NU rookie Lady Bulldog Princess Robles na aawardan bilang Best Server na may average na 0.48 ace per set.

Aawardan ang mga natatanging individual players sa Mayo 15 bago ang Game 2 ng best-of-three Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?