1,915
Sinong susunod na lulunok ng bato? Nadine, Maine, Angel napipisil na bagong Darna
By

Sinong susunod na lulunok ng bato? Nadine, Maine, Angel napipisil na bagong Darna

Matapos mag-backout ni Kapamilya actress Liza Soberano sa sikat na Pinoy hero franchise na Darna, naglutangan na ang may kanya-kanyang pambato para palitan ang pamosong aktres.

Sa Twitter, nag-trending ang hashtag na #BagongDarna, kung saan naglitawan ang mga pangalan ng mga posibleng maging next na lumunok na bato.

Marami ang tila gustong si Nadine Lustre ang sunod na sumalang bilang Pinay superhero, bukod sa morenang beauty nito na swak bilang Pilipina, hindi rin maitatanggi ang ganda ng hubog ng katawan nito na naging dahilan kung bakit binansagan ng FHM bilang sexiest Pinay.

Sunod sa listahan ay ang phenomenal TV star na si Maine Mendoza, paniguradong hahakot ng mga Aldub at Ardub fan kung sakaling siya ang mapili bilang Darna.

Sa tingin naman ng iilan, perfect para sa role si Kathryn Bernardo na classic ang Filipina beauty at naipakita na ang galing sa pag-arte sa action sa La Luna Sangre.

Ngunit marami pa rin ang bumabalik sa una nang nakapag-Darna, ito ay walang iba kundi ang dating Kapuso actress na si Angel Locsin.

Kahit matagal nang nag-Darna si Angel ay tila hindi ito tumatanda, ganun pa rin ang mukha nito at sexy pa rin ang pangangatawan.

Iba pang mga bet ng netizen para maging sunod na Darna ay sina Maja Salvador, Yassi Pressman, Sanya Lopez, Julia Montes at PBB Big Four Lou Yanong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?