41

By

Sinong panalo? LeBron, Doncic parehong nag-triple double

Ang kasalukuyang hari ng NBA, nasasabayan ng bagitong star caliber player pagdating sa triple-double.

Ngunit iba pa rin si ‘King’ James, kayang akayin ang koponan tungo sa panalo.

Sa nasabing laro, 39 points, 16 assists, 12 rebounds at apat na steals ang ginawa ni LeBron James, na sa nailistang statline ay gumawa ng kasaysayan bilang unang manlalaro na nakagawa nito.

Isa pa sa naging katuwang ni LeBron ay si veteran sharpshooter Danny Green, na pinwersa ang overtime sa bisa ng three-point shot sa pagtatapos ng regulation. Tumapos siya tangan ang 14 points at maging instrumento sa apat na sunod na panalo ng Lakers.

Samantala, hindi nagpahuli si Luka Doncic na kumamada rin ng triple-double, 31 points, 15 assists at 13 rebounds, habang ang kanyang Euro partner na si Kristaps Porzingis ay gumawa ng 16 points at siyam na rebounds.

Sa OT, iniskor ng Lakers ang unang pitong puntos sa extra period, napababa ng Mavs ang hinahabol sa 110-108, ngunit pinanatili ni Anthony Davis na nasa tuktok ang LA at hindi na nakabawi pa at maibulsa ang 119-110 win.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?