258

By

Sinong isusunod ko? – Pacquiao sa mga netizen

Naghahanap na nang susunod na makakasapakan si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.

Sa Twitter ng eight-time world division champion, kanyang inilista ang mga posibleng maging makatunggali sa mga susunod na buwan, at isang pangalan ang matunog na gustong muling masilayan ng mga boxing fan na harapin ni Pacquiao.

Apat na pangalan ang ipina-poll ng fighting senator, ito ay sina Shawn Porter, Danny Garcia, Keith Turman at ang dati nang nakatunggali na si Floyd Mayweather.

Sa lampas 40K votes na nakuha ng poll sa loob lamang ng siyam na oras, si Mayweather pa rin ang nais makita ng madla na makasagupa ng 40-anyos na legendary boxer.

Nagkaharap ang dalawa noong 2015 kung saan nanaig si Mayweather, unanimous decision kontra sa Pinoy boxer.

Matatandaang simula noong muling maging aktibo si Pacquiao sa pagboboksing ay madalas magkadaupang-palad ang dalawa, una ay sa Japan at sa mga laro sa NBA na nagpatibay ng usapan sa posibilidad na rematch.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?