1,381

By

Sino si Issa Pressman?

Isa sa unang nakaladkad sa hiwalayan ng loveteam at real sweetheart na sina James Reid at Nadine Lustre ay ang social media star na si Issa Pressman.

Sino nga ba si Issa?

Si Issa ay kapatid ng Kapamilya aktres na si Yassi Pressman, ang ka-loveteam ni Coco Martin sa ‘ Ang Probinsyano.’

Kilala social media influencer si Issa dahil mayroon na itong 300,000 followers sa Instagram at katulad ng kanyang kapatid na si Yassi ay sikat din ito dahil dance videos.

Minsan na ring ginulantang ni Issa ang showbiz nang lumantad ito noong 2018 at umaming bisexual at ipinakilala ang girlfriend ang singer na si Marga Bermudez.

Napalapit si Issa sa loveteam na JaDine dahil malapit sa isa’t isa sina Nadine at kapatid nitong si Yassi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?