1,493
Sino si Hayden? Harden naguluhan sa tanong ng Pinoy reporter
By

Sino si Hayden? Harden naguluhan sa tanong ng Pinoy reporter

Matagal nag-hang si James Harden matapos ang tanong ng isang contributor ng isang sports site na nakabase sa Pilipinas.

Sa tanong iba ang naging bigkas sa pangalan ng NBA superstar na imbes na Harden, Hayden ang nasabi nito.

“This is for Hayden. Did you execute all your plans and strategies throughout the series and what have you learned from this Game 5,” ayon sa reporter.

“Who? Whose it for?” tanong naman ni Harden.

Inulit lang ng Pinoy ang tanong bago nalinawan si Harden na siya ang gustong interbyuhin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?