499
Negosyante pursigidong maparusahan si Maria Ressa
Feb 14, 2019 @ 15:36
By

Sinira nila reputasyon ko – negosyanteng nagkaso kay Maria Ressa

Naglabas ng kanyang panig ang negosyanteng nagkaso ng cyber libel sa Rappler at sa CEO nitong si Maria Ressa sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Sa statement sinabi ni Wilfredo Keng na sinubukan umano ng Rappler na iligaw ang publiko sa pagsasabing ang reklamong inihain niya ay dinismis ng National Bureau of Investigation.

Pinangako rin umano sa kanya ng Rappler na aalisin ang artikulong inilabas nito pero hindi umano ito ginawa ng online site.

“Rappler, likewise through formal and informal channels, repeatedly promised me that they will take down the subject article, but never did. The libelous attacks remain posted on their website until now,” ani Keng.

Hindi rin umano siyang kinuhanan ng kanyang panig ng Rappler o nag-fact-check man lang sa pag-atake sa pangalan niya.

Dahil sa walang basehan umanong pag-atake sa kanya ay wala siyang pagpipilian kundi ang maghain na ng kaso at humingi ng proteksiyon sa mga korte.

Sa isang click lang umano ay nasira ng Rappler, ni Ressa at ng researcher na si Reynaldo Santos Jr., na kasama sa kinasuhan, ang reputasyon ni Keng at nilagay sa panganib ang kanyang buhay.

“Rappler, Ressa and Santos continue to hold themselves high above any accountability to provide credible and justifiable reason for why they continue to harass an ordinary private citizen and businessman despite having absolutely no basis for their claims. What is their motive? With one click of a button, they destroyed my reputation and endangered my life,” saad pa ng negosyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?