383
Sinikreto ang pag-alis: Kai pumunta sa Europa
By

Tinabla si Tab: Kai pumunta sa Europa

Inamin ng isang opisyal ng Ateneo na palihim na pumunta ang 7-foot-2 prodigy na si Kai Sotto sa Europa sa kasagsagan ng mga ugong-ugong na apat na Euro club team ang nagka-interes sa binata.

Sa report ng Spin.ph sa panayam kay Ateneo team manager Epok Quimpo, ipinabatid nitong noong Disyembre ay lumipad na pa-Europa si Sotto ngunit hindi tinukoy kung anong koponan ang dinaluhan sa nasabing rehiyon.

“Syempre, secret ‘yun. Nagpunta na siya sa Europe nung December. Kaunti lang nakaka-alam, hindi namin yun pinaalam. Para walang funfare,” ayon kay Quimpo.

Base sa ilang mga report, limang koponan ang naglalaway para kay Kai, ito ay ang Real Madrid, Barcelona, Saski Baskonia, Alba Berlin a Estudiantes.

Ang bagong development sa tinaguriang ‘Kaiju’ ay nangangahulugan na posibleng iiwanan na nito ang Ateneo at ang bansa na matatandang mahigpit na tinutulan ng Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin.

Ngunit kung si Quimpo ang tatanungin, buo ang kanilang suporta ano man ang maging desisyon ng 16-anyos na atleta.

“We won’t stand in the way. If Kai wants to play in Europe or elsewhere, susuportahan pa namin siya,” aniya pa.

Isa lang umano ang hiling ni Sotto kung sakaling maglaro ito abroad, ito ay ang payagan siyang sumalang sa national team sakaling kailanganin nito ang kanyang serbisyo.

“Kai wants freedom to play for the national team when he is being called. Yan ang isa sa mahalagang detalye na ini-insist nya sa kanyang package,” ayon sa Ateneo team manager.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?