1,104

Mar 21, 2020 @ 1:53
By

Singer Joey Bautista, pumanaw dahil sa COVID-19 ayon sa asawa

Hindi pneumonia kundi coronavirus o COVID-19 ang dahilan sa pagpanaw ni singer Joey Baustista.

Ito ang kinumpirma ni Belinda Bagatsing, asawa ni Bautista nitong Biyernes, matapos nitong matanggap ang balita na nagpositibo ang singer.

Paglilinaw nito sa kanyang Facebook post, “Dear all. As you know my husband Joey Bautista passed away yesterday due to pneumonia. He passed away not knowing the result of his covid19 swab test. Today i was informed the his official test result came out, positive covid19.”

Pinayuhan rin ni Bagatsing ang kanilang mga nakahalubilo na i-monitor ang kanilang mga sarili.

“If any of you were around us the last 30 days, please monitor yourselves and get yourself checked if you don’t feel well. I have no symptoms and under quarantine for 21 days. Stay safe everyone. For those asking, he did not perform in the Legazpi event.” saad pa sa post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?