160

Sinabotahe? LeBron hindi pinatulog sa Memphis

Tila sinisira ang kondisyon ni four-time NBA MVP LeBron James sa laban nito kontra Memphis Grizzlies.

Nagreklamo sa social media si LeBron matapos na mahirapang makatulog dahil sa ingay mula sa concert malapit sa kanilang hotel sa Memphis simula pa nang umaga.

“Literally trying to sleep/rest up for the game this evening and there’s a full out concert going on outside our hotel since around 10am,” sey ni Lebron.

Biro tuloy ni ‘King James’ tila sinasadya ang ingay para mawala ang kanyang koponang Lakers sa pokus para sa pagharap nila kontra Grizzlies.

“Ok I see what y’all trying to do. Cool cool,” saad niya.


Sa nasabing laro, panalo pa rin ang Lakers, 109-108, gumawa si LeBron ng 30 points, anim na rebounds at apat na assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?