45
Mag-iina tinadtad ng saksak, pati alagang aso idinamay sa Bulacan
By

Sinabihang matanda, wala nang ibubuga: Mister kinatay ang misis

Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 47-anyos na misis sa kamay ng kanyang sariling mister nang pagtatagain ito matapos na mapikon ang lalaki sa misis dahil sinabihan siya nitong matanda na at wala nang ibubuga at kailangan ng palitan, Linggo ng gabi sa Mobo, Masbate.

Dead-on-the-spot at halos magkaputol-putol ang mga parte ng katawan dahil sa dami ng tagang inabot ng biktimang si Venus Cardino, 47, samantalang arestado naman ang suspek na si Fernado Cardino, 58, barangay tanod at pawang residente ng Barangay Poblacion, District 2 ng nabatid na bayan.

Sa ulat na pinadala ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente dakong alas-10:10 ng gabi noong linggo sa bahay ng mag-asawa.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito matapos sabihan ng misis ang kanyang mister na matanda na ito at mahina na kaya papalitan na niya ito.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng itak ang mister at walang habas na pinagtataga ang kanyang misis hanggang sa mamatay.

Agad namang nakaresponde ang pulisya at nadakip ang suspek na ngyaon ay nakakulong sa Mobo Municipal Police Station (MPS) at sinampahan na ng kasong parricide sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?