437

By

Simot ang roster: 3 pa sinama ng Lakers sa Davis trade

Tatlong player na lang ang natitira sa Los Angeles Lakers, simot ang kanilang lineup para lamang makuha ang serbisyo ni Anthony Davis at magkaroon pa ng max slot para makaengganyo ng star player.

Tatapyasin sa lineup ng Lakers sina Moritz Wagner, Isaac Bonga, Jemerrio Jones at future second-round pick, ipamimigay sa Washington Wizards at cash consideration naman ang ibibigay sa New Orleans Pelicans.

Sa nasabing trade, magkakaroon na ng isang nasa P30M plus na cap space ang Lakers, iwa-waive din ni Davis ang kanyang $4M trade kicker para makagalaw pa sa free agency.

Ngayon, sina LeBron James, Anthony Davis at Kyle Kuzma na lang ang under contract ng Lakers, may ilan pang restricted free agent na posibleng malipat sakaling hindi ma-match ang qualifying offer ng ibang team.

Napabalitang sinisipat ng LA ang ilang big names tulad nina D’Angelo Russell, Kyrie Irving at Jimmy Butler sa free agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?