1,631

By

Sila makipaggiyera: Kung matapang kayo, patunayan niyo! – Robin Padilla sa mga nagpapatama sa China

Pareho ang sentimyento ni Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte, tingin nito ay hindi dapat masyadong patulan ang isyu dahil baka mauwi ito sa giyera.

Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Padilla na hindi handa ang Pilipinas sakaling magkaroon ng giyera sa China dahil sa pambabangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.

Sabi ni Robin, hindi na dapat palakihin pa ang isyu at kung gusto ng mga ibang nagpapatama sa China ay sila ang makipaggiyera sa nasabing bansa.

“Wag nalang ho natin palakihin. Siguro katulad ho ng sinasabi ko nung araw, kung sino yung matatapang, eh sila nalang yung pumunta dun,” saad ni Padilla.

“Wag na natin idamay pa yung Armed Forces, yung Pilipinas. Sarili nalang ninyong sikap kung talagang matapang kayo, edi patunayan niyo dun,” aniya pa.

Saad pa ni Padilla, kapag tinuloy ang pakikipagbangayan sa China ay baka i-invade tayo ng bansa.

“Hindi ho tayo tatagal ng isang araw kapag tayo ay nakipag giyera sa China… kawawa naman ho yung mga kabataan natin diyan,” ayon sa aktor. “Tayo ho dapat lalaban lang tayo pagka ininvade na tayo, yung pagsinabing conventional warfare, diyan pwede natin ilabas ang tapang natin diyan…”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?