57

May 23, 2020 @ 21:28
By

Signature campaign ng mga empleyado ng ABS-CBN, umabot agad sa 1M

Sa loob ng 24-oras ay nakakolekta ng isang milyong lagda ang signature drive na ikinasa ng mga empleyado ng ABS-CBN para kalampagin ang Kamara hinggil sa prangkisa ng network.

Inilunsad ni ABS-CBN union head Jon Villanueva ang signature campaign.

Sa petisyon, nanawagan ang mga empleyado ng ABS-CBN, pamilya at kaibigan nila sa Kamara para sa “immediate granting” ng prangkisa ng kumpanya.

“We, the employees of ABS-CBN, call for the immediate discussion and passing of the renewal of the ABS-CBN Franchise,” nakasaad sa petisyon.

Mayo 5, 2020 nang mawala sa ere ang ABS-CBN matapos maglabas ng closure order ang National Telecommunications Commission dahil sa nag-expired na prangkisa ng media company.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?