200

By

Shyr Valdez sasabak sa teleseryeng ‘Cain at Abel’

May bagong teleserye sa GMA7 si Shyr Valdez. Kasali siya sa ‘Cain at Abel’ na tinatampukan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Aminado ang aktres na excited na siya sa bagong TV series nila sa Kapuso Network.

“Yes, very excited ako siyempre kasi first time ko makatrabaho si Dong (Dingdong) and I’m really looking forward to working with Dong. As a matter of fact noong malaman ko yung show kasama ko silang dalawa, Dennis and Dong, talagang ganado na agad ako. Si Dennis, nakatrabaho ko na siya before, eh.”

“Kaya super excited ako sa bagong TV series na ito,” pahayag ni Shyr.

Ano ang role niya sa seryeng ito?

“Ang role ko, ako si Nanay Tina. Ako ‘yung mother ni Sanya Lopez dito,” saad pa ng isa sa ambassadress ng BeauteDerm na pag-aari ng CEO nitong si Ms. Rei Tan.

Ito bang Cain at Abel, hango sa 1982 movie ni Lino Brocka na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Phillip Salvador?

“I’m not really very sure cause I was not able to watch the original Cain at Abel, so hindi ko siya masagot pa at this time. One thing I can guarantee is napakaganda ng Cain at Abel.

“Yes, primetime ito pero hindi pa namin alam kung kailan kami lalabas… very, very soon. Ang aming director ay sina Direk Mark Reyes and Direk Don Michael Perez,” sambit pa ni Shyr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?