31

By

Shelter dog bibida sa live-action ng ‘Lady and the Tramp’ ng Disney

Napili ang isang 2-taong terrier mix na galing sa isang dog shelter sa Arizona para gampanan ang karakter ni Tramp sa paparating na live-action remake ng Disney na ‘Lady and the Tramp’.

Nanggaling ang upcoming Disney star na si Monte sa HALO Animal Rescue sa Phoenix, Arizona. Pero bago siya dinala sa HALO ay nanggaling sya sa Las Cruces, New Mexico.

“It’s our pleasure to help out our neighbours in New Mexico,” ayon sa isang tweet ng HALO noong Martes.

“We still have a working relationship with them in fact to help dogs like Monte get adopted. And now he’s a star!”

Sinabi ng tauhan ng shelter sa CBS 5 na palakaibigan at mapagmahal na aso si Monte. Gusto niya rin kapag sya ay binibigyan ng atensyon.

Binisita ng mga producer ng paparating na serye ng Disney ang shelter ilang buwan bago siya napili para sa serye.

Ang aktor na si Justin Theroux naman ang gaganap para sa boses ng karakter.

“His adopters say he’s been such a good boy and loving life,” sulat ng HALO Animal Rescue sa kanilang Facebook page. “We are all so happy for him and can’t wait to check out the movie when it comes out!”

Ang makakatambal ni Monte ay isang cocker spaniel na may pangalan na Rose. Si Tessa Thompson naman ang gaganap para sa boses ni Lady.

Ang Lady and the Tramp ay nakatakda na mag-debut sa paglulunsad ng streaming service ng Disney + sa darating na Nobyembre 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?