40
Shellfish sa Palawan, apektado pa rin ng red tide
By

Shellfish sa Palawan, apektado pa rin ng red tide

Umiiral pa rin ang nakamamatay na red tide toxin sa bahagi ng Puerto Princesa Bay sa Palawan.

Ayon sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nananatili pa rin ang red tide maging sa maraming baybayin ng Western Samar na kinabibilangan ng San Pedro, Maqueda, Irong-irong, Silanga, Canbatutay at maging sa coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Liangga Bay sa Surigao del Sur.

Samantala, idineklara namang ligtas na sa panganib ng red tide toxin ang bahagi ng Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental.

Pinaalalahanan naman ni BFAR Director at Agriculture Undersecretary for Fisheries Eduardo Gongona ang publiko na huwag o iwasan munang manguha, magbenta o kumain ng mga shellfish at alamang upang makasiguro sa kanilang kaligtasan.

Subalit puwede namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango sa naturang lugar basta alisan lang ng lamanloob saka lutuing mabuti.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?