493

By

Sheena palaban kay Sue sa paseksihan

Wala na, ubos na lahat ng papuring maaaring ilarawan sa Kapamilya at Kapuso actresses na sina Sue Ramirez at Sheena Halili.

Eh paano ba naman, magkalayo man ang kanilang edad pero laban na laban pagdating sa paseksihan. Aba’t ang dating pa nga, “Who wore it better?”

Ang edad ng Kapamilya actress na si Sue ay 22, habang 32 naman ang Kapuso actress na si Sheena. Sinong mag-aakalang 10 taon ang pagitan ng kanilang edad kung halos nagkakatapatan sila sa paseksihan sa social media?

Kapwa nag-post kasi sila ng kanilang swimsuit mirror effect shot na parehas ding naka-black one piece swimsuit, so labanan talaga sila ng kurba ng katawan, ha!

Ano pa nga ba ang matatagpuan sa comment section ng kanilang mga litrato kundi mga comment ng kalalakihan with fire emoji o heart eyed emoji.

Siyempre, magkakandarapa talaga ang kalalakihan sa kanila, tipong malilito kung sino ang mas tititigan dahil parehas talaga silang lumalaban sa kaseksihan.

View this post on Instagram

I decide my own vibe. 👙: @yveswimwear

A post shared by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on

View this post on Instagram

🖤🖤🖤 . @cesaph

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?