209

By

Shaw pinaka-oldest sa PBA Draft

Si Maurice Shaw ang oldest na tinapik sa PBA Draft Linggo ng hapon, pero high pick din ang nilandingan niya.

No. 2 selection ng Blackwater Elite si Shaw sa regular draft.

Fil-Ams ang top 2 picks ngayong taon, una si Roosevelt Adams ng Columbian.
Edad 34 na si Shaw, nakalistang 6-foot-9.

Bruiser ang napili ng bagong coach ng Blackwater na si Nash Racela.
May lehitimong pambalya na sa paint ang Elite, pantapat sa tulad ni June Mar Fajardo.

“I’m just greatful for the opportunity,” ani Shaw. “Hopefully, I’ll be able to do what I can do.”

Si Shaw ang pinakamatangkad sa 67 aspirants, kaya hindi puwedeng hindi siya mapansin.

Sa Binan, Laguna pinanganak si Shaw, nag-aral sa Hutchinson Community College.

Pinakamakulay sa kanyang resume ang paglalaro sa Harlem Globetrotters. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?