200

Apr 3, 2020 @ 20:51
By

Sharon super proud: KC namahagi ng kilo-kilong bigas

Proud na proud si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.

Sa Instagram kasi ni KC, ibinahagi niya ang video kung saan maraming fan ang labis silang pinasalamatan sa tulong na kanilang ibinigay.

Namahagi kasi ng 500 kilo ng bigas sina KC kasama ang iba pang mga kaibigan sa industriya gaya nina Jodi Sta. Maria, Mikael Martinez at marami pang iba.

“Nakakaiyak. Nakakataba ng puso ang mga ngiti nila. Nahimasmasan na sila, kaya nahimasmasan na rin ako,” aniya.

Ginamit pa nga ng aktres ang sinabi ni Pasig Mayor Vico Sotto na “Let’s just work.”

“Walang Pilipinong dapat nagugutom, lalong lalo na sa mga panahong ito. Consistent sana ang food distribution natin sa mga napili nating lugar, hindi lang 1 time, dahil syempre mauubos at mauubos din yan. Tulungan tayo, Pilipinas,” dagdag pa ng aktres.

Dahil diyan, hindi na itinanggi o naitago ng Megastar kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak.

Natuwa naman ang mga fan sa ginawa ng aktres at nakatanggap din ito ng maraming papuri mula sa mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?