102

By

Sharon, si Pierre na ang gustong mapangasawa ni KC

Ipinagdarasal na ni Megastar Sharon Cuneta na mauwi sa kasalan ang pag-iibigan ng anak niyang si KC at French boyfriend nitong si Pierre Plassart.

Sa panayam kay Shawie sa “Tonight with Boy Abunda”, sinabi nitong nagkakaintindihan umano ang dalawa kaya’t tiyak niyang sa kasalan din mauuwi ang limang taon nang relasyon nina KC at Pierre.

Boto rin umano ang Megastar kay Pierre.

“I love Pierre. They were together about five years ago… before Paulo (Avelino), before Aly (Borromeo). I love him so much…” ani Cuneta.

Nang tanungin naman ito ng kailan sa tingin niya magpapakasal sina KC at Pierre.

“I’m sure they’ll tell us when it’s time but I am praying to God that this is it. You know why? He gets her, she gets him,” aniya.

Nagbiro pa si Cuneta na umaasa siyang mabibigyan siya ng magagandang apo ng dalawa na tiyak umanong kikidnapin niya kapag nagkataon.

Maliban sa kanya, boto rin umano kay Pierre ang biological father ni KC na si Gabby at maging ang stepdad nitong si Senador Kiko Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?