94

By

Sharlene naghahanap ng mga basher

Nangangailangan ng tulong ng mga internet basher at troll si Kapamilya actress Sharlene San Pedro.

Sa kanyang tweet, sinabi ng 19-anyos na AB Psychology student na kailangan niya ang partisipasyon ng online trolls para sa kanyang thesis tungkol sa social media bashing.

“update: gumagawa akong thesis tungkol sa social media bashing at mga gumagawa ng fake news sa mga public figure so sa mga taong ganyan, dm niyo lang ako gumagawa akong survey,” sabi sa tweet ni Sharlene.

Sa isa pa niyang tweet, sinabi niyang nakatanggap na siya ng mensahe pero sinabihan nito ang naturang social media user na huwag mag-private account at magpakilala para maipadala niya ang link ng survey.

“may nag dm sakin 1 hour ago sana wag ka mag private account sa ig at magpakilala ka ng mabuti 😉 send ko sayo link ng survey soon,” saad ni Sharlene.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?