3,751

By

Shaina suki ng ‘pambubugbog’ ni Mon Confiado

Naaalala pa ni Shaina Magdayao kung paano siya ‘pinagmalupitan’ ni Mon Confiado noong bata pa siya.

Nagkasama sa isang serye sina Mon at Shaina noong 1999 hanggang 2001 para sa ‘Marinella’.

Sinariwa ni Shaina ang isang eksena kung saan kinidnap at binugbog siya ni Mon sa kanyang Instagram story.

“Dati nung bata ako sa #Marinella, kinikidnap mo ako at binubugbog,” saad ni Shaina.

Sa ‘Maalala Mo Kaya’ ay muling nagkasama ang dalawa, ngayon ay bilang mag-asawa ngunit bugbog pa rin siya dito.

“Ngayon, sa MMK, asawa na kita, pero binubugbog mo pa din ako,” sey naman ni Shaina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?