67

By

Shabu online seller, nadakma

Todo ingat man sa pagbebenta ng shabu ang isang babae at idinadaan sa social media ang pagtutulak, natimbog pa rin ito ng mga awtoridad at kasama nito sa buy-bust operation sa Lucena City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Lucena City Police ang mga naaresto na sina Mary Rose Barrios, 34, at Marlon Macalinao, 22, parehong residente ng Barangay Ibabang Dupay.

Batay sa report, kumagat ang mga suspek sa patibong ng mga awtoridad at sa tulong ng isang police asset, nakabili ang mga operatiba ng isang sachet ng shabu mula sa mga ito.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang pagsalikupan at posasan ng mga nakasibilyang tauhan ng Lucena PNP sa operasyon na ginawa sa Purok Happy Valley, Brgy. Ibabang Dupay, sa nasabing lungsod.

Narekober sa mga ito ang tatlo pang sachet ng shabu na may timbang na 1.22 gramo at nagkakahalaga ng P2,257.

Ayon pa sa impormasyon, sinasala muna ng mga suspek ang kanilang mga parokyano sa pamamagitan ng messenger chat at hindi kaagad nakikipagtransaksyon sa mga hindi nila kabisadong buyer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?