71
Mag-partner huli sa pagtutulak ng shabu sa Pasig
By

Shabu ginamit na pantyliner para maipasok sa kulungan

Buking ang 47-anyos na ginang makaraang gawing pantyliner ang idedeliber na shabu sa kaniyang live-in partner na nakapiit sa Quezon City Jail nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Col. Ronnie Montejo ang ginang na si Leslie Hernandez, alyas Doza, ng Brgy. Balon Bato, Quezon City.

Batay sa report, alas-10:50 ng umaga (October 14) ay dadalawin sana ng suspek ang live-in partner nito na nakakulong sa Quezon City Jail na matatagpuan sa 3rd St., Brgy. Kamuning.

Kinapkapan ang ginang ng female duty jail officer pero napansin nito na matambok ang kanyang panty kaya isinailalim sa “strip search” at doon nakita ang isang medium size na plastic sachet na naglalaman ng droga kaya ito ay inaresto.

Nabatid na ang ginang ay dati na ring nakulong ng anim na taon dahil sa drug case at ngayon ay nahaharap muli sa panibagong kaso sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?