101

By

‘Sexual emojis’ bawal na sa Facebook, Instagram

Maaaring ma-deactivate ang account ng user kapag paulit-ulit na ginagamit ang mga emoji na nagpapahiwatig ng kabastusan.

Kabilang dito ang talong at peach maging ang sweat drop o pawis emoji.

Tatanggalin na ng Facebook at Instagram ang mga post na naglalaman ng “commonly sexual emojis or emoji strings”, ayon sa kanilang updated Community Standards.

Pero maaalis lang ang posts kung ang content ay “implicitly or indirectly (typically through providing a method of contact) offer or ask for nude imagery, or sex or sexual partners, or sex chat conversations”.

Kaya kung isa kang chef o mahilig magluto at nag-post ka ng emoji na eggplant o peach pie recipes ay ayos lang ito.

Sa bagong rules, hindi na rin pwedeng gamitin ang mga naturang emoji na pantakip sa mga body part gaya ng utong o nipples.

Layon ng ban na mapahinto ang mga sex worker sa paggamit sa social media para makakuha ng mga parokyano

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?