8,964

By

Sex video ng Pinay SHS student, binura ng PornHub

Matapos ang hiling ng Philippine National Police (PNP), binura na ng website na PornHub ang sex video ng dalawang senior high school student sa Cagayan de Oro.

Inireklamo ng tatay ng babaeng estudyante ang ex-boyfriend ng kanyang anak na kasama sa sex video.

Tingin ng ama na ang ex ang nagpakalat ng video, na sinasabing ang kumuha at nagpakalat ng scandal.

Unang nagreklamo ang tatay ng biktima sa National Bureau of Investigation sa Mindanao para mapanagot ang lalaki sa violence against women at anti-child pornography.

Hiniling naman ng NBI sa PornHub na ma-delete ang nasabing video sa kanilang mga server.

Nag-aaral sa parehong unibersidad ang dalawang estudyante, na nakumpirma dahil nakasuot ang babae ng uniporme sa video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?