733

Mar 24, 2020 @ 15:01
By

Sex scandal ni Jamal Murray, kumalat na

Nitong mga nakaraang araw ay naka-deactivate na ang Instagram account ng Denver Nuggets guard na si Jamal Murray.

Ngayon naman ay pati ang jowa nitong si Harper Hempel ay hindi na rin maaninag sa kanyang mga social media account.

Ito’y matapos na ma-hack umano ang 23-year old baller, kung saan sa isang Instagram story nito ay makikita kung papaano siya ‘pinapasaya’ ng kanyang girlfriend.

Matapos lumabas ang balita ay nagsulputan na ang mga screenshot ng nasabing video, na kalat na rin sa ilang pornsite.

Noong una ay nanawagan ang dyowa ni Murray na burahin ang mga video, ngunit hindi nakinig ang ilang netizen at nagawa pa ring ikalat ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?