44

Jan 10, 2020 @ 18:43
By

Seryoso ba? Pingris nagulat sa pagkasama sa Gilas

Hindi makapaniwala si Magnolia big man na si Marc Pingris na sa edad niyang 38-anyos ay makakabalik siya muli sa PH national team.

Sa report ng ESPN5, sinabi ni Pingris na nagpapasalamat siya’t napabilang pa sa Gilas Pilipinas para sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

“Seryoso ba ‘yan?” tanong ni Pingris. “But honestly, I feel blessed just to have my name included in the pool. We all know I just recovered from a knee injury so to me, it’s a big surprise.”

Aniya pa, pagtutuunan niya ng pansin na maturuan ang mga bagitong manlalaro na kasama sa 24-man pool, ngunit hindi pa rin magpapadaig at susubukang makapasok sa final 12-man lineup.

“I’ll still give my 100 percent in practice to try to get to the final 12.”

Makakabangga ni Pingris para sa spot sa center position ay sina Japeth Aguilar, Christian Standhardinger, Poy Erram at Justine Baltazar.

Si Pingris ang dating nagsilbing ‘puso’ para sa Gilas ng talunin ang South Korea at tumapos ng silver medal sa 2013 Fiba-Asia Championships.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?