24
kulong
By

Service crew huli sa P68K shabu

Arestado ang isang service crew ng supermarket matapos makumpiskahan ng P68,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Chloei Viray, 33, tubong Rizal Province at nakatira sa Varona St., Brgy. Tejeros, Makati City.

Nadakip si Viray dakong alas-6:30 ng umaga, Enero 14 sa tapat ng pinapasukan nitong supermarket sa Barangay Tagumpay, Project 4.

Ayon kay PEMS Edgardo Sanchez, OIC-Chief ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD-Station 4, isang impormante ang nagsumbong sa kanila hinggil sa sideline na pagbebenta ng droga ng dalaga.

Isang undercover agent ng PNP na nagkunwaring bibili ng droga at habang nasa aktuwal na nagaganap ang bilihan ng shabu ay agad pinosasan ang nasorpresang dalaga.

Nakumpiska ng pulisya sa dalaga sa tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, marked money at mga drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon ang suspek ng QCDP Station 8 detention cell at nahaharap sa kasong drug pushing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?