1,189

By

Sept. 8 bilang special working holiday, pirmado na ni Duterte

Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na special working holiday ang Setyembre 8 ng bawat taon.

Ito ay upang gunitain ang Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary o kapanganakan ni Birheng Maria at pasasalamat sa pagdadalantao nito kay Hesukristo.

Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11370 noong Agosto 8

Taong 2017 nang lagdaan naman ng Pangulo ang RA 10966 na nagdedeklara naman sa Disyembre 8 ng bawat taon bilang special non-working holiday para naman gunitain ang Feast of the Immaculate Conception.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?