271

Mar 31, 2020 @ 22:26
By

Senyora pinagkaisahan sa social media

Matapos manawagan kamakailan ang mga netizen para i-report ang mga social media account ng Mocha Uson Blog dahil sa diumano’y pagpapakalat ng fake news, ang online persona naman na si Senyora Santibañez ang pinuntirya ng mga ito.

Ito’y matapos isang netizen na si @armancristobal ang nag-akusa kay Senyora ng pagiging cyber bully.

“I remember you started a hate train against me before when I was 14 yrs old. You posted our conversation before about sa pagiging ‘malandi’ ko before as a gay kid who is not out yet and people started adding my account and messaging me to kill myself. Idk why u jumpin on this now,” ani @armancristobal patungkol sa tweet ni Senyora sa isyu ni Sam Morales na nang-“catfish” ng transwoman.


Kinampihan si @armancristobal ng maraming netizen:

@jainnella_: “@Senyora canceled kana din. Sad.”

@genicuuuh: “We should be cancelling @/Senyora long time ago. Fake news propagandist, misogynistic, fake feminism, enabler of evil leaders and a cyber-bully.”

@gweeeennnnnn: “Please report Senyora! Aside from being toxic, this account is also an impostor.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?