53

Senior citizen todas sa dila ng aso

Pumanaw ang 63-taong lalaki sa Germany matapos siya dilaan ng isang aso at nagkaroon ng bihirang impeksyon.

Nagbabala ang mga doktor na humingi ng medikal na payo kapag napansin na ang mga kakaibang flu-like symptoms.

Dulot ng capnocytophaga canimorsus ang nangyari sa lalaki, isang bacterium na karaniwang nahahanap sa bibig ng mga aso at pusa ayon sa published paper ng European Journal of Case Reports in Internal Medicine.

Mas madaling tablan ng impeksyon ang mga taong mayroong, splenectomy, at alcohol abuse. Ngunit ayon sa ospital, walang ganitong kondisyon ang pasyente.

Maari ding kumalat ang impeksyon sa pamamagitan ng kagat ng hayop, ngunit hindi kinagat ng aso ang lalaki. Dinala siya sa Red Cross Hospital sa Bremen, Germany upang suriin ang sakit.

“He had been touched and licked, but not bitten or injured, by his dog, his only pet, in previous weeks,” sabi sa statement ng mga doktor sa Red Cross Hospital.

Mataas na temperatura at pagkahirap sa paghinga ang ilan sa mga sintomas sa unang pagdating niya sa ospital. Isang araw bago noon ay may pantal na lumitaw sa kanyang mukha, kasabay ng nerve at muscle pain.

Nasuriang may kidney injury, liver dysfunction, hypnoxia, at kakulangan ng daloy ng dugo ang pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?