54

By

Senado, Kamara nagkasundo na sa Road Board abolition

Tapos na ang girian ng Senado at Kamara ukol sa pagbuwag sa Road Board, ang nangangasiwa mula noong 2011 sa buwis mula sa rehistrasyon ng mga sasakyan o Motor Vehicle User’s Charge (MVUC).

Kasunod ito ng pulong kagabi nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Majority Leader Rolando Andaya.

Ayon kay Zubiri, nagkasundo sila na ayusin ang Road Board Abolition Bill sa Bicameral Conference Committee.

Liliwanagin dito na bubuwagin ang Road Board at ipapasok na sa National Treasury ang road user’s tax.

Itatakda rin na ipapasok ang road user’s tax sa General Appropriations Act o pambansang badyet para dumaan sa pagkilatis at pag-aprub ng Senado at Kamara.

Ayon kay Zubiri, inaasahan nila na papayag dito ang buong Senado at Kamara.

Una nang tumanggi ang Senado na bawiin ang pag-aprub sa Road Board Abolition Bill para dalhin sa Bicam dahil sa pangamba na iipitin doon ng Kamara.

Ang Road Board ay tinukoy na ikalawang pinagkukunan ng pork barrel ng mga konggresista at mga lokal na opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?