104
Sena ayaw manakit ng kapwa basketbolista
By

Sena ayaw manakit ng kapwa basketbolista

Pinagmulta na ng PBA si James Sena dahil sa flagrant foul 2 infraction kay Jeff Chan ng Ginebra, pero giniit ng Blackwater big man na ‘di siya dirty player.

Sa fourth quarter ng 108-107 overtime win ng Elite kontra Gin Kings, humabol si Sena kay Chan na patira ng 3-pointer sa sulok. Napunta ang paa ni Sena sa landing spot ni Chan, natapakan ng Ginebra wingman.

Hindi na nakabalik sa laro si Chan at na-diagnose na may sprained ankle.

Ejected din si Sena dahil sa F2, ‘di sinuspinde ang 6-foot-5 center mula Agoo, La Union pero pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office ng P20,000.

Naglaro pa ng 3 minutes si Sena sa 118-110 win ng Blackwater kontra Columbian noong Linggo nang kolektahin ng Elite ang pangatlong sunod na panalo sa gayunding dami ng laro para upuan ang liderato ng PBA Commissioner’s Cup elims.

Dati nang natawagan si Sena ng F1 sa ganoon ding insidente, napunta ang paa niya sa landing spot ng patirang player.

Aminado siyang may history na sa ganung infractions, pero giniit na hindi niya naman aniya sinasadya.

‘Di maiwasan, marami ang nagsasabing marumi siyang maglaro.

“’Di naman ako dirty player eh,” ani Sena. “Nangyari lang talaga ‘yun.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?