39

Mar 25, 2020 @ 11:12
By

Sen Risa Hontiveros: Makarating sana ang mga pondo sa mga nangangailangan

Hindi kailangan ng emergency powers para tugunan ang problemang dala ng COVID-19 sa bansa dahil sapat na ang mga batas para matugunan ito.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Senator Risa Hontiveros, sinabi niya na tinutulan niya ang emergency powers nung botohan dahil maaring abusuhin lamang ito at hindi mapunta ang pondo sa mga bagay na kailangan tulad ng pagbili ng personal protective equipment ng health workers, ayuda sa mga mahihirap, at mass testing para matukoy ang mga nagkaroon na ng COVID-19 at maihiwalay na sa mga tao at hindi na makahawa.

“Ngayong napirmahan na ang bill, I’m really looking at moving forward. I really hope those funds go to where it needs to go,” sabi ni Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?