128

By

Selosong lover pinatay ang live-in partner sa Cebu

Sumuko na sa batas ang isang selosong partner matapos barilin sa ulo ang kanyang live-in partner dahil sa madalas na ginagabing pag-uwi, ilang metro ang layo sa kanilang bahay sa Sitio Mahayahay, Barangay San Vicente, Liloan, Cebu, Sabado ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Eldie Orquiza, 27-anyos at kusang-loob na sumuko kasama ang kanyang mga magulang, alas-5:00 ng hapon, Disyembre 14, matapos na patayin ang live-inpartner na si Bianca Paige Bayang, 25 anyos.

Ayon kay Police Master Sergeant Jason Gayo, desk officer ng Liloan Police Station, pagseselos ang posibleng dahilan ng pagpatay ni Orquiza sa kanyang kinakasama.

Base sa imbestigasyon, narinig umano ng ilang kapitbahay ang pagtatalo ng couple bandang alas-1:00 ng madaling araw at isang putok ng baril pa ang kanilang narinig.

Ilang oras ang nakalipas ay nakita na ang bangkay ng babae may ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay, alas-5:00 ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Bayang sa kanang bahagi ng kanyang ulo.

Nabatid na nagtatrabaho sa isang appliance store sa bayan ng Consolacion ang biktima kaya ginagabi na ito ng uwi na posibleng dahilan ng pagseselos ng lalaki.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Liloan Police kaugnay sa pagkamatay ng biktima habang nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?