32

Feb 27, 2020 @ 15:45
By

Sekyu nanggigil sa gatilyo, nabaril ang sarili

Sugatan ang isang security guard matapos na aksidenteng mabaril ang sarili habang nasa duty makaraang panggigilan umano ang gatilyo ng kanyang service firearm sa Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang paa si Neo Jayson y Artisen, 26-anyos, security guard ng Fame Residence Mayflower St., Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.

Ayon sa report, nasa duty ang biktima at habang sukbit ang suot na baril ay hindi naiwasan na panggigilan ang gatilyo at aksidenteng nakalabit ito at tumama ang bala sa kanyang paa.

Agad naman naitakbo sa VRP Hospital ang biktima at nasa maayos nang kalagayan ayon kay Dr. Genesis Ipac, attending physician.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?