225

By

Sekyu hiniwalayan ng dyowa, nagbaril sa ulo

Tinapos ng isang guwardiya ang pagiging heartbroken makaraang magbaril sa ulo matapos na hiwalayan ng kanyang kasintahan sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Rodel, security guard at taga-Valenzuela City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. George Caculba, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong alas-4:20 ng hapon (January 28) nang matagpuan ang duguang bangkay ng sekyu sa garahe ng binabantayang tahanan sa Cubao, QC.

Batay sa pahayag ng mga kasambahay, abala sila sa kanilang mga gawain ng makarinig ng isang malakas na putok ng baril at nang kanilang tunguhin ay bumungad sa kanila ang nakabulagtang duguang katawan ng guwardiya.

Agad na humingi ng saklolo ang mga kasambahay at isinugod sa University of the East Ramon Magsaysay Hospital ang biktima subalit binawian ito ng buhay bandang alas-11:50 ng gabi.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, may ginawa umanong voice record ang biktima sa kaniyang cellphone at sinabi sa kaniyang girlfriend na magpapakamatay na lamang siya dahil sa pakikipaghiwalay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?