87

By

Sektor ng kabataan, kababaihan sa Cagayan de Oro iboboto si Bam Aquino

Mainit na tinanggap si reelectionist Senator Bam Aquino sa pagbisita nito ngayong Huwebes sa Cagayan de Oro.

Kabilang sa pinasyalan ni Aquino ang pinakamalaking palengke sa siyudad na Cogon public market.

Tinikman niya rito ang famous specialty ng lungsod na sikwate at puto maya na kinumpleto niya ng mainit na inuming tsokolate.

Nagkaroon naman siya ng maikling dayalogo sa youth, transport at womens’ sector sa West Bound Terminal kung saan nangako sa kanya ang mga ito na, “Iboboto ka namin kasi ‘yung laban mo ay laban naming lahat!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?