12

Mar 25, 2020 @ 20:38
By

Seguridad ng mga atleta prayoridad ng PSC

KASULUGAN at seguridad pa rin ang tanging layunin ng Philippine Sports Commission sa mga atletang Pinoy matapos ang pagkansela ng 2020 Tokyo Olympics dahil sa COVID-19.

Ito ang naging saloobin ni Philippine Sports Commission chair Butch Ramirez.

Sa katunayan ayon sa PSC chief ay nakahinga ito ng maluwag dahil sa hindi na niya kailangang mag-alala pa kung sasabak ang mga atletang Pinoy sa kalagitnaan ng pandemic krisis.

“I have always expressed that I favor its postponement, given the way this crisis seems to be taking,” saad ni Ramirez. “As I’ve mentioned before, the safety and health of the athletes remain our primary concern.”

Dapat sana ay gaganapin ang nasabing palaro sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9, ngunit napagdesisyunan ng IOC na iurong na muna ito dahil nga sa nasabing pagkalat ng sakit.

“The postponement to next year is a good option hoping that the virus will diminish,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?