51

Mar 25, 2020 @ 21:06
By

Sec. Año sa mga yayamanin: Wag kayong asyumera

WAG KAYO MAG-EXPECT!

Tila ganito ang pahiwatig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga taong ‘well-to-do’ o yayamanin sa kalagitnaan ng krisis dulot ng coronavirus.

Ito ay dahil target ng DILG na unahin ang mga taong kapos upang matugunan ang pang-araw araw nilang pangangailangan.

“Syempre ang uunahin natin yung indigent families. ‘Yung mga well-to-do, wag naman tayo mag-expect na tatanggap tayo sapagkat mas unahin ang mga nangangailangan,” saad ni DILG secretary Eduardo Ano sa press briefing.

Dagdag pa nito, dapat ay kumilos at wag lang magpa-petiks ang mga local government o LGU sa pagpapakalat ng tulong sa kanilang lungsod.

“We are reminding all LGUs to utilize their funds and distribute food packs to those who are needing this.” dagdag pa ni Ano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?