16

By

Sean Gibbons, PH Junior girls tennis team eeksena sa PSA

Espesyal ang magiging edisyon ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Martes sa Amelie Hotel-Manila dahil bibisita ang pangulo ng Manny Pacquiao (MP) Promotions na si Sean Gibbons.

Kilala bilang international match maker at manager, ibabahagi ni Gibbons sa kanyang unang pagdalaw sa public sports program na hatid ng San Miguel Beer, Braska Restaurant, Amelie Hotel at nmg Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga posibleng sunod na makakaharap ni boxing champion Manny Pacquiao, ganun din si current International Boxing Federation (IBF) super-flyweight champion Jerwin Ancajas, at iba pang fighters sa ilalaim ng MP Promotions.

Imbitado rin sa forum ang Philippine Junior girls tennis team na nagtapos ng ikalimang pwesto sa ITF World Juniors Championship.

Inaanyayahan na ang lahat ng PSA member na dumalo sa 10am session.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?